Ito po ang proyekto nila:
Marife Gumba
Bianca Gutierrez
Yza Halog
Raymond Pineda
Julian Rivera
at
Paolo Trinidad.
Nakahanap po kami ng iba't ibang litrato ng mga karatula na nagkakarga ng mga salita/pangungusap na wikang Filipino.
Pumunta kami sa iba't ibang lugar upang makahanap ng mga karatula. Hindi lang sa mga kalye nahahanap ang mga ito kundi sa loob ng mga mall rin. Kahit saan sa bansa na ito, mayroon parin tayong makikitang mga teksto na sulat-wikang tagalog. May mga teksto na nakadikit sa mga t-shirt, billboard, libro, mga elektronik na gadget, atbp.
Kung gusto nating magbigay halaga sa ating wika, dapat nating ipagpatuloy natin ang paggamit ng wikang Filipino sa paggawa ng mga karatula na ito. Isa po itong pagsasanay para sa ating lahat. Tayo ay mamamahala kung tayo ba'y tutuloy sa pagpahalaga ng wikang Filipino o hindi. Sana ipagpatuloy pa.
*************************************************************************************
Ito na po ang mga litrato:
Pumunta kami sa isang mall sa North Edsa, ang tawag po dito ay Trinoma (tapat ng SM North Edsa) upang maghanap ng mga litratong pangproyekto. Nakapasok po kami sa isang tindahan ng mga t-shirt. Nabighani kami't maraming t-shirt ang may sulat-wikang Filipino na design. Natuwa kami't kinuhanan namin agad ng litrato.
(si Bianca ang taga-kuha ng litrato para sa parte na ito)
Hindi ba mainam 'yan? :p
"Gusto Ko B.J. (Buko Juice, pansinin ang display)"
Dahil sa init ng panahon ngayon, siyempre mangangailangan tayo ng inumin sa araw araw. :p
*************************************************************************************
Ang susunod naman nagrupo ng mga litrato ay nanggaling sa mga kalye kalye. Ito po ang mga karatula na nakikita natin araw araw tuwing tayo'y nagbibiyahe. Ang mga nakita naming karatula ay galing sa North Edsa, Espanya, East Avenue, at iba pang lugar.
(si Raymond, Julian, Yza, Paolo, at Marife ang mga kumuha ng mga litrato para sa parte na ito)
Isang taxi na handa nang tumulong para sa kanyang Bayan! :)
"Pahayagan Ng MMDA" (Quezon Avenue)
Lalagyan ng mga karatula ng mga taga-MMDA! :D
"Bayad Muna Bago Baba" (loob ng isang jeep)
Simpleng prinsipyo sa bawat jeep. :D
"Linisin Ikarangal Maynila" (Espanya)
Dapat sundin kapag tayo'y magbibigay galing sa lungsod ng Maynila! :)
"Pribadong Sasakyan Bawal Sa Yellow Lane" (Shaw Boulevard)
Pang-iwas lang sa traffic! :p
"Mag-Ingat Sa Paghakbang" (LRT)
Para makaiwas sa aksidente! :)
"Tulay Pantao Hakbangan"
Para makasisigurado ang maingat na pagtawid! :p
"Bawal Dumura" (LRT)
Para manatiling malinis ang LRT! :D
*************************************************************************************
Itong grupo ng mga litrato na ito ay nanggaling sa loob ng kwarto ni Julian. Gumawa siya ng mga paalala para maengganyo siya sa pag-aaral. Ang mga paalala ito ay ang mga sumusunod..
(Si Julian ang kumuha ng mga litrato na ito)
Kung may gusto kang kunin sa buhay mo, pagtrabahuin mo! :D
"Mag-Aral Para Sa Magandang Kinabukasan!"
*************************************************************************************
Dito na po magtatapos ang aming KSS!
Ang mga miyembro muli (kung sakaling nakalimutan):
Bianca Gutierrez
Marife Gumba
Yza Halog
Raymond Pineda
Julian Rivera
Paolo Trinidad
1 comment:
MARAMI PA PO KAYONG MAKIKITA SA MGA PROBINSYA.SALAMAT SA INYONG NA I BLOG
MAKIKINABANG ANG MGA SAFETY OFFICERS SA SULOK NG PINAS! SANA RIN KUNG IBA'T IBANG DIALEK.
MARAMING SALAMAT PO INYONG GRUPO!
GOOD LUCK!
SAFETY ALWAYS,
Post a Comment