Tuesday, September 23, 2008

Pagdiskubre sa makulay na mundo ng wika. c:

mabuhay.
itong proyekto na ito ay purong filipino.
*dahil kami ay mga PINOY. c=


matapos ang matagal na paglilibot.
mga nakakapagod na paghahanap.
nakakabaliw na pagiisip.
nakakagutom na paglalakad.
ngayon niyo na matutunghayan ang proyekto naming umaatikabo. c=


------------------------------

para simulan. . .

syempre pagmamalaki muna namen
kung san kami galing.


aba uste ako.
cool kame di ba?. c=


------------------------------

sa palagay namen e lahat naman tayo ay naranasan na sumakay
sa isang pampasaherong jip parang ganto.



bunga ng pagsisikap

isang pagpapatotoo lamang ito
sa kasabihang
pag may tyaga may nilaga. c:

*pasensyahan na kung maliit at malabo.

nakasakay kasi ako sa naunang jip
noong kinuhanan ko yan ng litrato. - roseanne c:


------------------------------

san ba dumadaan ang mga jip?.
sa daanan di ba?.

marami din iba't ibang karatula na makikita dun.

lalo na kung ang gobyerno ay may ginawang pagbabago dito.


buwis na binabayaran, para sa bayan
isa lang itong patunay na may pinupuntahang
maganda
ang buwis na binabayaran ng ating mga magulang.

------------------------------

kung meron tayong nakikita sa labas ng jip.
syempre meron din tayo makikita sa loob nito.
hindi niyo alam marami din gusto sabihin
si manong drayber
sa ating mga pasahero
kagaya na lang nito. c:


barya lang sa umaga
magbayad daw tayo ng barya pag umaga
lalo na pag bagong byahe si manong.
kayo din baka ndi kayo masuklian. C:



at eto pa . . .




di baling matulog ka, kung bayad ka na, gigisingin pa kita
oo nga naman. tulog tulog kasi e. tapos kapag lumagpas kayo sa pupuntahan
magagalet pa kayo sa drayber.
hay. pilipino talaga. c:

------------------------------

hindi pa ata tayo buhay sa mundong ito ay likas na sa mga sinaunang pilipino na maging mahilig sa pagkaen. syemre mahirap kaya kapag walang pagkain. at syampre kahit sa mga pagkain marami din tayong mga karatulang makikita.


ano pang hinihintay mo?. bili ng coke.



mas masaya ang bonding kapag may coke



langhap-sarap, bida sa lahat.

ang sarap magmahal ng pinoy.
tama yon. c:



oh hindi ba. sabi ko na sainyo eh. kung iisipin mas madali makilala ang mga produkto kung bibigyan ng mga "tagline" na madalas natin makita sa mga karatula na nakakalat sa daan.


------------------------------

makakakita din tayo ng mga karatula na nagpapaalala. madalas natin ito makita sa bahay o sa dormitoryo parang ganto.


wag matulog kapag pagod ka na. matulog lang kapag tapos ka na.
tama yan. wag agad matutulog kapag napagod.

tapusin dapat ang mga dapat gawin. c:



paalala: pakibalik ng waling ting-ting,walis tambo,
dustpan, floor mop
dito sa tools cabinet. salamat po.
dapat natin isa ayos lahat ng bagay na ating gingawa.
di ba?. c:


bawal iwanan na bukas ang pinto kahit anong oras
para sa ating seguridad. baka may pumasok na ibang tao

------------------------------

minsan pati sa mga bahay aliwan,
videoke bar, o kahit sa sinehan ay makakakita
ng
mga karatula na nagbibigay paalala.




bawal magintay at magistambay dito kung kakain
lang kayo at di gagamit ng videoke

oo nga naman. hindi lang kayo ang gagamit. c:

------------------------------

eto pa ang iba't iba pang mga litrato na nakuhanan namin
na nagpapakita at gumagamit ng salitang filipino.





------------------------------

totoong napakaganda ng wikang filipino
kung tutuusin maraming mga banyaga ang gustong dumiskubre nito
at tayo mismong mga pinoy ang hindi maka pagpahalaga dito.


------------------------------

dito na po nagtatapos ang aming proyekto sa filipino.
sana ay lubos kayong naligayahan sa aming ginawa.
salamat at mabuhay. c:

------------------------------

Regine Rafer
Roseanne Santos
Lianne Sy
Vianca Teves
Maiko Viar
Zari Zapatos

No comments: